DAGUPAN LGU, PINAGHAHANDA ANG MGA DAGUPENO SA POSIBLENGPAGTAMA NG MALAKAS NA LINDOL

Pinaghahanda ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang mga Dagupeño sa posibilidad ng mas malakas na lindol kasunod ng mahina lamang na pagyanig na naitala nitong nakaraang weekend.

Batay sa ulat ng Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management Council (PARMC), umabot lamang sa Intensity 2 ang lindol at wala namang naitalang pinsala o nasaktan.

Gayunman, mananatiling naka-alerto ang Disaster Risk Reduction and Management Office at handang rumesponde anumang oras sakaling maramdaman ang mas malakas na lindol na maaaring magbanta sa kaligtasan ng publiko.

Paalala ng lokal na pamahalaan na laging maging handa at alerto sa anumang oras ng kalamidad. Ayon sa mensahe ni Mayor Belen Fernandez, hindi umano kailanman isusugal ng Pamahalaang Lungsod ang buhay at seguridad ng ating mga anak at ng buong Dagupan.

Facebook Comments