Ginanap ang DAGYAW Open Government Meeting para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs ng San Juan, La Union na naglalayong makatulong para sa pagsisimula at pagpapalago ng kanilang negosyo.
Pinangunahan ang nasabing meeting ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa talakayan, nabanggit ang iba’t-ibang programa at serbisyo ng DTI na nakahanda para sa MSMEs ng bayan na tutulong upang makabangon mula sa kaguluhan sa ekonomiya na dulot ng pandemya.
Ang DAGYAW na tinaguriang “Talakayang Bounce Back sa Negosyo at Micro, Small, and Medium Enterprises” ay isang terminong Hiligaynon para sa “Bayanihan” na nagdadala ng konsepto ng “pagsasama-sama”.
Bukas ang DAGYAW sa mga feedbacks na tungkol sa mga programa at serbisyong inihahatid sa kanila ng gobyerno, na sasagutin din ng mga nakatalagang ahensya anuman ang tungkol dito.
Samantala, layunin din ng DAGYAW na bumuo ng tiwala sa isa’t isa sa pagitan ng pamahalaan at ng mga tao pagdating sa mga usaping napapatungkol sa lahat ng aspeto ng pangkabuhayan at pang-ekonomiya. |ifmnews
Facebook Comments