GOOD NEWS: TAPAT NA TODA MEMBER, PINAPURIHAN SA BAYAN NG LINGAYEN

Nitong nakaraang Martes, nai-surrender ng Pangapisan North (Lingayen) Toda Vice President na si Jonny Velasco ang napulot niyang wallet sa tanggapan ng Mayor’s Office sa bayan ng Lingayen.
Buong galak naman ng alkalde na tanggapin sa kanyang tanggapan ang nasabing Toda Member dahil sa katapatan na ipinakita nito.
Napulot umano ni Jonny ang pitaka sa isang bahagi ng Lingayen Plaza. Naglalaman ito ng ilang larawan at higit 10,000 pesos na pera.

Pansamantalang nanatili muna sa tanggapan ng Municipal Information Office ang naturang wallet na sa huli, naibalik din sa may-ari na si Alvin Patrick Soriano na residente ng Aguilar, Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments