Walang pasok ngayon, Agosto 25, 2017, sa lahat ng antas ng klase sa buong lalawigan ng Isabela sa pribado man o pampublikong paaralan.
Ito ang ipinahayag ng tanggapan ng Isabela Governor’s Office sa pamamagitan ni Isabela Provincial Information Officer Jessie James Geronimo sa pabatid na ihinayag sa lahat ng sangay ng media ng Isabela gamit ang bisa ng Executive Order No 66 o ang alintuntunin para sa suspensiyon ng mga pasok sa panahon ng mga kalamidad at weather disturbances.
Ayon kay Gobernador Faustino Bojie Dy lll, mas maigi na huwag munang papasukin ang mga bata upang hindi malagay sa kapahamakan lalo na at ang isabela ay nasa ilalim na ng signal number 2.
Nakaalerto ngayon ang Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Committee (PDRRMC) habang kaninang madaling araw ay nararanasan na ang ulan sa lalawigan.
Inatasan din ng gobernador ang lahat ng mga alkalde sa lalawigan na manmannan ang kani-kanilang bayan at lungsod habang dumadaan ang bagyong Jolina.
Suspendido naman ang lahat ng mga nakatakdang aktibidad ng Dep-ed lalo na kasalukuyang ginaganap na District Athletic Meet ng Distrito 1 at 3 ng Isabela.