Dahil kay Julia Barretto: Gerald Anderson kinumpirmang tinawagan ni Dennis Padilla

2054
Images from their IG accounts

Inamin ni Gerald Anderson na kinausap siya ng ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla, ilang araw matapos pumutok ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng dalawa.

Matatandaang nakatikim ng katakot-takot na pambabash si Barretto dahil umano sa pagiging third party sa relasyon nina Bea at Gerald.


Tumawag umano si Padilla sa aktor para malaman ang totoong kuwento sa likod ng alegasyon kay Julia.

“Si Sir Dennis, tumawag siya sa akin. Of course, he called me. I answered the phone. We had a good conversation. Tumawag siya kasi isa siyang concerned father. Anak niya ‘yun, e. Anak niya ‘yun,” saad ni Anderson.

Dagdag pa niya, “Siyempre, alam natin na grabe rin ‘yung bashing sa side nila. No one deserves that… We had a good conversation”.

Humanga din si Gerald sa pamilya ni Julia dahil sa pagiging matatag sa gitna ng pagsubok na kinakaharap ng batang aktres.

“She has a very beautiful and nice family. One thing for sure is they’re very strongnd united. It’s just unfortunate na nadamay and this happened. At least they’re all together,” he said.

(BASAHIN: Bea Alonzo nagsalita na kaugnay sa estado nila ni Gerald Anderson)

Noong Hulyo 25, sinabi ni Bea sa mga mamamahayag na wala silang pormal na break up ni Gerald at bigla nalang siyang hindi kinausap ng dating nobyo.

(BASAHIN: Julia Barretto rumesbak kay Bea Alonzo: I refused to be your victim)

Samantala, nagulantang ang mundo ng showbiz at social media matapos basagin ni Julia ang kaniyang katahimikan tungkol sa pagkakadawit sa hiwalayang Bea at Gerald.

Nanindigan siyang walang kinalaman sa kinahantungan ng relasyon ng dalawa.

Facebook Comments
From Advertisers