Julia Barretto, dumipensa sa isyung hiwalayan nila Bea at Gerald

1572
Instagram/ Julia Barretto

Sa unang pagkakataon, nagsalita na si Julia Barretto ukol sa hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Sa isang Instagram post nitong Martes, ipinabatid niya ang kaniyang saloobin at mensahe sa batikang aktres.


“These past weeks, my faith, my patience, and my strength were put to the test. I have endured many harsh words hurled against me and my family everywhere on social media. It is exhausting and painful. While some might have forgotten, I am also human,” ani Julia.

Nilinaw ni Julia na hindi niya niloko ang on-screen partner na si Joshua Garcia at hindi rin siya ang dahilan ng breakup nila Bea at Gerald.

“Your heartbreak should have been a private matter, but you have selfishly turned it into something of national concern,” pahayag ni Julia.




“Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me FOR YOU,” dagdag niya.

Pinahayag din ni Julia na hinikayat lamang ni Bea na mang-insulto ang mga tao laban sa kaniya at isa itong ‘downright bullying.’

“You can play victim all you want, but I refuse to be your victim,” aniya.

Sa huli ay sinabi ni Julia na hindi na siya magpapaapekto sa opinyon at sasabihin ng mga tao sa kaniya.

Ikinaro rin kagabi ni Gerald na personal na issue ang naging sanhi ng hiwalayan ni Bea at walang kinalaman dito si Julia.

Nitong Hulyo 25, ipinahayag naman ni Bea na wala silang pormal na break up ni Gerald at hindi nalang siya nito bigla kinausap.

Facebook Comments