Dahil sa bagsak presyong gulay, D.A makikipag dayalogo sa mga magsasaka

Makikipag dayalogo ang D.A sa mga magsasaka sa Benquet na problemado dahil sa sobrang baba ng bentahan ng gulay.

Kabilang sa makikipag usap sa mga magsasaka ay sina Agriculture Asec. Kristine Evangelista at Agriculture Adviser Jerry Pelayo.

Kasama din sa pagpupulong ang mga kinatawan sa mga bagsakan ng gulay sa palengke.


Umaasa ang Department of Agriculture na makakagawa sila ng solusyon para matulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga gulay.

Sa ngayon 4 pesos ang kada kilo ng repolyo sa La Trinidad Benguet habang 8 pesos  ang presyo nito pagdating sa Balintawak.

Facebook Comments