DAHIL SA BANTA NG EL NIÑO SA MGA ISDA, FISH GROWERS SA LUNGSOD NG DAGUPAN, PINAYUHAN NG AWTORIDAD

Bukod sa mga sakahan at patubig ng mga magsasaka na naapektuhan dahil sa nararanasang El Nino phenomenon, pinayuhan din ng City Agriculture Office ng Dagupan ang mga mangingisda sa lungsod ukol sa banta ng El Niño sa kanilang mga inaalagaang isda.
Partkular na pinayuhan ng CAO ang mga nag-aalagang bangus saLungsod upang maiwasan ang pagkamatay ng mga isdang dahil init na dala ng El Nino.
Ayon sa CAO, ang pagsunod sa tamang daming isda sa bawat palaisdaan gayundin sa pagpapakain kung saan dapat hindi sobra ang ibinibigay sa kanila dahil kapag sobra ang pagkain at naiipon nagreresulta ito sa pagkakaroon ng polusyon sa tubig na nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga isda dahil nalason ang mga ito.

Hindi rin anila maalis o maiwasan na may mga namamatay na isda ngunit ang mga hakbang na ito ay makakatulong upang maiwasan ang maramihang pagkamatay ng mga isda.
Samantala, naka-alerto ang City Agriculture Office at Bantay Ilog Task Force sa mga fish pens at cages sa lungsod upang matiyak na sumusunod sa mga fish growers sa lungsod na tama ang mga sukatng mga ito at matanda na dahilan ng paghihigpit ng LGU ay upang mapangalagaan ang Bangus Industry sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments