MURANG PRESYO NG SIBUYAS SA PAMILIHAN SA DAGUPAN CITY,PATULOY NA NARARANASAN

Mura pa rin ang presyo ng produktong sibuyas na makikita sa ilang pamilihan sa Dagupan City kung saan nito pang nakaraang linggo nakitaanng labis na pagbaba.
Sa presyo nitong nasa 20 pesos hanggang 25 pesos ang kalahating kilo ay mababa na umano itong bentahan ng mga retailer kung ikukumpara noong bungad ng taong 2023 kung saan nakitaan naman ng labis na pagtaas ng presyo nito noon dahil sa kakulangan naman ng suplay.
Ngayong buwan, bumaba sa 10 pesos hanggang 50 pesos ang kadakilaan ng farmgate price sa pagitan ng mga magsasaka at mangangalakal sa bayan ng Bayambang, na isa sa major-producer ng sibuyas sa lalawigan.

Malaking bagsak ng farmgate price ito ng naturang produkto ngayon kung ikukumpara noong January 2023 na nasa humigit-kumulang P300 Hanggang P400 kada kilo ang kuha. |ifmnews
Facebook Comments