MGA PROGRAMA NG DSWD, PATULOY NA PINAPAKINABANGAN NG MGA PANGASINENSES

Patuloy na pinapakinabangan ng mga residente ng Pangasinanang mga programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Isa na rito ang Food-for-Work Program ng nasabing ahensya.
Umaabot sa 952 na benepisyaryo ng Food-for-Work (FFW) mula sa Infanta na tumanggap ng tig-iisang Family Food Pack (FFP)bilang kapalit sa dalawang araw nilang pagtatrabaho.

Ang mga benepisyaryo ng FFW ay mga mahihirap na pamilya,solo parent at Persons With DIsability(PWD) na nagsagawa ng paglilinis ng kalsada, kanal, at tabing dagat.
Ang FFW ay isang programa ng DSWD na naglalayong magbibigayng pansamantalang trabaho sa mga bulnerableng sektor na may kaugnayan sa pag-iwas at paghahanda sa kalamidad, rehabilitasyon, at mga aktibidad na makakatulong upang maiwasan at malunasan ang epekto ng Climate Change. |ifmnews
Facebook Comments