DAHIL SA BASURA | Office of the Ombudsman, kakasuhan si DENR Usec Juan Miguel Cuna

Manila, Philippines – Nakatakdang kasuhan ng Office of the Ombudsman si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Juan Miguel Cuna.

Ito ay may kaugnayan sa mga basura ng Canada na itinapon sa Pilipinas kung saan akitaan ng Ombudsman na mayroong probable cause para kasuhan si Cuna dahil sa paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Inatasan din ng Ombudsman ang DENR secretary na agad na ipatupad ang tatlong buwan suspensyon laban kay Cuna na walang sweldo.


Nabatid na sa imbestigasyon ng Ombudsman, noong 2013 ay nag-export ang Canadian-based company na Chronic incorporated ng ilang container van na idineklarang plastic scrap materials pero wala itong permit ang shipment nang dumating sa bansa.

Inabandona ang shipment at kinalaunan ay nadiskubre na ang laman ng mga container vans ay mga basura.

Napag-alaman na si Cuna, na noon ay DENR-EMB Director, ang nagbigay ng registry certificate for the importation of recyclable materials containing hazardous substances noong June 19, 2013 kahit na walang detalye ang importer’s registry sheet.

Facebook Comments