BAGONG PINUNO | DOJ Sec. Menardo Guevarra, inatasan si Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon na maging OIC ng NPS

Manila, Philippines – Inatasan ngayon ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra si Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon na maging OIC ng National Prosecution Service (NPS).

Sa Department Order 334 na inilabas ni Guevarra, gagampanan ni Fadullon ang mandato bilang pinuno ng NPS kung saan papalitan niya ang nagbitiw na si dating OIC Prosecutor General George Catalan na tututok bilang chief prosecutor ng lungsod ng Makati.

Pinasalamatan naman ni Fadullon si Guevarra at humingi ng dasal para maayos niyang magampanan ang mga bagong tungkulin.


Dagdag pa nito, maraming isyu sa NPS ang dapat na asikasuhin lalo na ang pagpatay sa mga taga-usig kung saan hangad niyang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga piskal sa pamamagitan ng propesyonalismo sa kanilang trabaho.

Facebook Comments