DAHIL SA MATINDING INIT | Pangulong Duterte, hindi natuloy ang nakatakdang pag-jet ski sa Philippine Rise

Manila, Philippines – Hindi natuloy ang pag-je-jet ski ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpunta nito sa Philippine Rise.

Ito ay matapos pigilan ng Presidential Security Group (PSG) ang Pangulo dahil sa sobrang init at makasasama ito sa kalusugan ng punong ehekutibo.

Ayon kay PSG Commander General Lope Dagoy, wala namang security issue sa pagsakay sa jetski ng Pangulo, kundi ito ay para lang sa kanyang kalusugan.


Dahil dito, ang anak na lang ng Pangulo na si Sebastian “Baste” Duterte at si Special Assistant to the President Bong Go na lang ang nag-jetski sa karagatan malapit sa Casiguran Bay.

May bandila pa ng Pilipinas ang pinaandar na jet ski ng dalawa.

Facebook Comments