DAHIL SA PAG-AWAT | Construction worker na umaawat lamang sa nagsusuntukang kasamahan, sinaksak

23

Makati – Magsilbing aral sa mga umaawat ng away ang nangyari sa isang construction worker na sinaksak ng kanyang kasamahan matapos na umawat lamang sa nagsusuntukan kasamahan nito sa Brgy. Pitogo Makati City.

Arestado ang suspek na si Alvin Asucro 25 construction worker residente ng Viva Home, Paliparan,Cavite City matapos na sasaksakin nito sa dibdib ang biktimang si Arnold Ebora 41 isa ring construction worker.

Batay sa record ng Station Tactical Operation Center ng Makati City Police Station matutulog na sana si Ebora kasama ang tatlong mga kasamahan nito pero nagkaroon ng suntukan sa loob ng construction barracks sa 437 Romblon St., cor. Cebu St. Brgy., Pitogo, Makati City kung saan inawat lamang ng biktimang si Ebora ang suspek na si Asucro pero sa halip na tumigil sa suntukan siya pa ang binalingan at sinaksak sa kanang dibdib pagkatapos ay mabilis na tumakas pero agad naaresto ng mga nagrerespondeng pulis ang naturang suspek.

Frustrated homicide ang ang kasong isinampa sa construction worker na sumaksak sa kanyang kasamahan.

Facebook Comments