DAHIL SA PAG-ULAN | Anim na katao, patay sa landslide sa Tacloban City

71

Tacloban – Umabot na sa anim ang patay bunsod ng landslide sa Tacloban City.

Sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), bumagsak ang pader na may habang 30-metro at may taas na 12-talampakan dahil sa pagguho ng lupa dulot ng walang humpay na pag-ulan.

Isang bangkay pa lang ang narerekober sa retrieval operations.

Pansamantalang pinalikas ang mga residenteng malapit sa gumuhong pader dahil sa posibleng pagkakaroon ng bagong landslide.

Facebook Comments