ILIGAN CITY- Inamin ngayon ni Deped Schools Division Superintendent Randolph Tortola na dahil sa paglubo ng bilang sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa lungsod ng Iligan ay kulang na ngayon ng mga guro at arm chairs. Bagay ito na kinakailangang gawan ng paaran ng deped para makapagpatuloy pa rin sila sa kanilang klase. Sinabi ni Tortola na kinausap na niya ang mga magulang ng mga displaced learners na galing sa marawi city at lanao del sur na sila muna ang magdala ng kanilang sariling mga upo-an hanggat hindi pa naresolba ang nasabing problema sapagkat hindi umano niya kaya na sa sahig lang nakaupo ang mga estudyante. Inaasahan naman ni Tortola na darating na kahit ano mang araw ang pwersa ng mga guro na ipapadala sa lungsod ng iligan para may katuwang ang mga guro sa iligan na ngayon ay halos doble ang bilang ng kanyang hinahawakang estudyante sa kanyang klase.(GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC ILIGAN)
Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga mag aaral sa pampublikong paaralan sa Iligan, guro at mga upo-an nagkulang na
Facebook Comments