DAHIL SA PERA? | Singer Mariah Carey, kinasuhan ng dating manager nito

32

Amerika – Ikinagulat ng singer na si Mariah Carey na kinasuhan ito ng dati niyang manager na si Stella Stolper.

Nabatid kasi na kinasuhan si Mariah nang violation of the U.S. Civil Right Act, Violation of the fair Employment and Housing Act ganoon din ang Breach of Contract.

Ayon kay Stolper, personal at mahigit pa ang nais niya sa Pop Diva kung saan iginiit na hindi lamang ito tungkol sa pera.

Sinasabing nagkahiwalay ang dalawa noong nakaraang taon ng magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan.

Facebook Comments