DAHIL SA SELOS | Misis, pinatay ni mister

Cebu – Dahil sa matinding selos, pinatay sa saksak ng isang lalaki ang sarili niyang misis at dalawang anak sa Barangay Pajac, Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon sa 43-anyos na suspek, nagawa niya ang krimen matapos na makarinig ng tsismis na may kalaguyo ang kanyang asawa.

Bukod sa mag-iina, patay din sa pananaksak ang kaaptid na lalaki ng kanyang misis.


Nakaligtas naman sa krimen ang bunso nilang anak na dalawang taong gulang.

Ayon sa pamilya ng babae, lulong sa iligal na droga ang suspek at ilang araw nang hindi natutulog.

Kinasuhan na siya ng frustrated parricide.

Facebook Comments