Nakakasagabal na Presensiya ng mga Kasundaluhan sa Cagayan, Pinabulaanan!

Pinabulaanan ni Army Col Camilo Saddam, ang Commanding Officer ng 17th IB ng 502nd Brigade. 5ID PA ang paratang na ang presensiya ng kasundaluhan ay nakaka sagabal sa pang-araw araw na kabuhayan ng mga mamamayan.

Ito ang kanyang sinabi sa panayam ng RMN Cauayan may kaugnayan sa kasalukuyan nilang operasyon military sa bayan ng Rizal, Cagayan.

Magugunita na noong sabado ay nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng NPA at kasapi ng 17th IB kung saan ay nakarekover ang militar ng mga subersibong dokumenta mula sa mga NPA.


Ipinaliwanang din ng upisyal na sa kasalukuyang pamamalagi ng military sa bayan ng Rizal at Sto. Niแน…o at ilang bayan sa karatig lalawigang Apayao ay upang tugunan ang presensiya ng mga NPA sa lugar.

Magugunita rin na sa mga nakalipas na mga buwan ay ang kanilang presensiya din ay nakapanghikayat ng mga 17 Militiang bayan na magbalik loob sa pamahalaan na pilit umano ngayon na nililigawan ng mga NPA na muling suportahan sila.

Kasalukuyan ang mga ginagawang bayanihan program ng 17th IB sa naturang lugar habang tinutugis ang mga tumakas na NPA pagkatapos ng nangyaring engkuwentro noong sabado.

Facebook Comments