PATAY | Lolo, tinambangan sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang isang 79-anyos na lolo matapos tambangan sa harap ng kanilang bahay sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Vicente Barlentangco, opisyal ng homeowners association.

Kwento ng saksi – nagpanggap na bibili ng prutas ang suspek.


Maya-maya pa ay pumasok siya sa looban papunta sa direksyon ng bahay ng biktima at doon na nila narinig ang putok ng baril.

Hinala ng misis ni Vicente, posibleng away sa lupa ang motibo ng krimen.

Aniya, may umaangkin kasi sa kanilang lupa sa likod ng kanilang bahay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Facebook Comments