Ang isang plane flight na inaasahang maging banayad at maayos mula sa pinanggalingan nito patungo sa kanyang destinasyon ay naging kalbaryo sa isang iglap ng dahil lamang sa utot…
Sa report ng strongfeelings.com, ang Transavia flight ay nag-take-off mula sa Dubai at nakatalagang lumapag sa Amsterdam.
Sa kalagitnaan ng flight, isang matandang lalaking pasahero ang nagsimulang mag-release ng masamang hangin. Nag-react ang dalawang magkabilaang katabi ng matanda, subalit patuloy pa rin sa pag-utot ang hindi pinangalanang matandang pasahero.
Tinawag ng dalawang pasahero ang flight attendant upang gumawa ng hakbang para maresulba ang sitwasyon. Sa kasamaang palad, hindi malaman ng flight attendant ang gagawin kung kayat wala ring nangyari. Tuloy pa rin ang matanda sa pag-release ng “ass-gas”, ayon pa sa report. Sa tantiya ng mga katabing pasareho, mukhang nakatadhana na silang lumanghap ng masamang hangin sa buong flight nila.
Sobrang inis ang kanilang nadarama; hanggang sa hindi na nila kayang kontrolin ang kanilang pasensiya sa pasaherong matandang lalaki na walang tigil ang pag-utot, nagpasya ang dalawa na ilagay sa kanilang kamay ang pagresulba sa problema.
Lumipad ang mga kamao, dumapo ang mga suntok sa iba’t-ibang katawan at mukha ng tao sa paligid…at nagkaroon ng commotion sa loob ng eroplano habang nasa ere ito.
Sinikap ng piloto na pahupain ang sitwasyon, nagbigay pa ito ng warning, subalit tuluy-tuloy pa rin ang pagliparan ng mga kamao.
Dahil sa hindi maawat-awat na sitwasyon bunsod ng pag-utot ng isang matandang pasaherong lalaki, napilitan ang piloto na mag-emergency landing sa Vienna.
Paglapag sa Vienna airport, pinababa ang dalawang pasaherong unang nagreklamo at nagpaulan ng suntok, damay din ang dalawang babaeng kalinya lamang ng dalawang lalaking nanggulo. Nagdesisyon ang management ng Transavia na i-ban sa kanilang eroplano ang mga pinababang pasahero.
Dahil sa Utot, Eroplano, Nag-Emergency Landing
Facebook Comments