MAGSISIMULA NA | Bar examinations ng halos 9,000 law graduates, Kasado na!

Manila, Philippines – Kasado na ang bar examinations ng halos siyam na libong law graduates na magsisimula sa linggo

8,701 na mga nagtapos ng abugasya ang kukuha ng Bar Examinations sa apat na Linggo ng ng Nobyembre.

Gagawin ang pagsusulit sa November 4, 11, 18 at 25 sa University of Santo Tomas sa EspaƱa, Maynila.


Ito ang pinakamalaking bilang ng mga kukuha ng Bar Examinations.

Nagpaalala si Deputy Clerk of Court at Bar Confidant Ma. Cristina Layusa na sakaling bumuhos ang malakas na ulan , may sampung bus ang Korte Suprema na maghahatid sa mga examinee sa UST mula sa ilang mga piling pick-up points sa ilang lugar sa Metro Manila.

Facebook Comments