Kailangan pa ng confirmatory test upang matiyak kung ano ang sakit na dumapo sa mga manok panabong na sunod-sunod na namatay sa Cotabato City nitong nakaraang linggo.
Ang mga manok ay nakitang sinisipon, namamaga ang mukha, nanghihina at naglalaway.
Ang iba ay nakikita na lamang na nakabulagta at patay na.
Ayon kay City Veterinarian Dr. Robert Malcontento, magpapadala pa sila ng samples sa Regional Animal Desease Diagnostic Club upang masuri ito.
Sinabi ni Dr. Malcontento na posibleng newcastle disease ang tumama sa naturang mga manok, normal anya kito kung hindi nabakunahan ang manok.
Ang newcastle disease ay viral disease kaya madali ang transmission.
Pinapayuhan ni Dr. Malcontento ang mamamayan ng lungsod na may alagang mga manok na kaagad na dumulog sa City Veterinary Office upang matulungan sila kung ano ang dapat gawin sa kanilang mga alaga.
Kapag nagkasakit ng newcastle deasease ang mga alagang manok ay hindi na ito malulunasan at tuluyang nang mamamatay ito.
Mahigpit din ang bilin nito na huwag nang katayin pa ang manok na namatay dahil sa sakit.
Nilinaw naman ni Dr. Malcontento na walang dapat na ikabahala ang mga may ari ng manok dahil hindi naman nakakahawa sa tao ang new castles deasease.
PIC: For illustration only
Dahilan ng Aratay ng mga panabong na manok sa Cotabato City, inaalam pa ng City Vet
Facebook Comments