Dahilan ng fish kill sa bahagi ng Manila Bay, tukoy na!

Tukoy na ang dahilan ng pagkakamatay ng daan-daang isda sa Manila Bay na inanod sa dalampasigan ng Las Piñas at Parañaque.

Lumabas sa pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mataas na lebel ng ammonia at phosphate.

Kulang din ang oxygen level sa dagat.


Paliwanag ng BFAR, nanggagaling ang ammonia at phosphate galing sa domestic, agricultural, at industrial waste.

Maliban sa iba’t-ibang uri ng isda, naapektuhan din ang mga shellfish gaya ng tahong at talaba.

Nilinaw din ng BFAR na walang sensyale ng dynamite fishing.

Facebook Comments