Pagsabog sa loob ng Bilibid, pananakot lang – BuCor

156

Naniniwala ang Bureau of Corrections (BuCor) na may gusto lamang na manakot.

Ito ay matapos maantala ang isinasagawa nilang clearing operations sa New Bilibid Prisons (NBP) nang may mangyaring pagsabog ng improvised explosive device (IED).


Ayon kay dating NCRPO director at ngayon PNP Chief for Directorial Staff, Major Gen. Guillermo Eleazar – inaalam nila kung paano nakalusot sa mga bantay ang mga pampasabog.

Sinabi ni BuCor Director Gerald Bantag – hindi pa malinaw ang motibo pero posibleng may nananakot lamang upang mapurnada ang demolisyon sa mga kubol.

Hindi naman magpapasindak ang BuCor at tuloy ang pagwasak sa mga kubol at magtiis ang mga preso.

Sinisikap ng BuCor na matugunan ang mga problema ng mga preso partikular ang gutom at kawalan ng matutulugan.

Naniniwala naman ang Department of Justice (DOJ) na posibleng may problema sa seguridad sa Bilibid kaya nangyari ang pagsabog.

Facebook Comments

From Advertisers