Taiwan – Isang 70-anyos na lolo ang kinagigiliwan ngayon dahil kahit na halos palaos na ang “Pokemon Go”, nananatili pa din siyang adik sa paglalaro nito.
Sa katunayan, ni-remodel ni Chen Sanyuan ang kaniyang bisikleta kung saan ikinabit niya dito ang nasa siyam na smartphones na bawat isa ay may kaniya-kaniyang Pokemon Go accounts.
Bukod dito, mayroon din kaniya-kaniyang mga power banks ang bawat isang cellphone kaya at kaya ni yuang mag-hunt ng mga Pokemon sa loob ng 20 oras.
Nabatid na nakahiligan ni Lolo Chen ang Pokemon Go matapos itong i-introduce ng kaniyang apo kaya at mula noon nagsimula na siyang mag-hunt ng Pokemon anim na araw kada linggo kung sana gumagatos siya ng $1,500.00 (P79,000.00) kada buwan para lamang sa apps at pag-maintenance ng kaniyang bisikleta.