Dalaga, Nagtangkang Magpakamatay dahil Umano sa Utang

*Cauayan City, Isabela*-Isinailalim na sa psychological test at stress debriefing ng City Social Welfare and Development Office Ilagan ang isang dalaga matapos ang tangkang pagpapakamatay nito na umakyat sa bubungang bahagi ng kanyang pinagtatrabahuhang tindahan sa Brgy. Baligatan, Ilagan City, Isabela.

Ayon kay P/Lt.Col. Virgillio Abellera, Hepe ng PNP Ilagan City, problema sa utang ang isang rason ng dalaga dahil sa nasira nitong refrigerator kung kaya’t nagawa ang tangkang pagpapakamatay na tumagal ng mahigit sa isang oras bago napakiusapan na bumaba mula sa bubungan.

Itinangging pangalanan ng pulisya ang biktima dahil naging maayos naman umano ang nasabing biktima na tubong Coastal town sa Divilacan, Isabela.


Dagdag pa ng hepe, isa rin sa tinitignang motibo sa tangkang pagpapakamatay nito ay problema sa pamilya at stress sa trabaho.

Sinabi pa ng hepe na batay sa naging pag uusap ng biktima sa kanyang ay napag alaman din na hindi na pumapasok ang kapatid nito na kanya namang pinag aaral.

Facebook Comments