Dalaw na Tangkang Magpuslit ng Droga sa Cataggaman District Jail, Arestado!

803

Tuguegarao City – Arestado nitong Sabado ang isang dalaw matapos umanong tangkang magpuslit ng marijuana sa BJMP District Jail, Catagamman Pardo, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Erika Joy Mallillin, 21 anyos, dalaga, walang trabaho at nakatira sa Reyes Extension, Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP Tuguegarao, dadalawin sana ng suspek ang kaniyang live-in partner na nakakulong sa nasabing piitan.

Nang kapkapan ni JO1 Sandy Cabauatan ang suspek bago makapasok sa kulungan, nakuha kay Mallillin ang isang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana sa kanang bulsa ng kaniyang bagpack.

Mahaharap si Mallillin sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers