Isang Magsasaka sa Alicia, Huli sa Pagbebenta ng Marijuana at Paglabag sa RA 10591!

109

Alicia, Isabela – Timbog ang isang magsasaka matapos maaktohang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot at nakumpiskahan ng hindi rehistradong baril pasado alas diyes kinse kagabi sa Brgy. Calaocan, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Roland Abuan, 47 anyos, balo at residente ng Brgy. Antonino, Alicia, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nadakip si Abuan ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Southern Isabela, Quirino SET at mga tauhan ng PNP Alicia sa pamamagitan ng isinagawang ng anti-illegal drugs operation.

Nakuha sa suspek ang 3 plastic sachet ng pinatuyong dahon ng pinaghihinalaang marijuana, mark money na ginamit na buy bust money at isang kalibre .22 smith & wesson magnum revolver na may kargang limang bala.

Agad dinala ang suspek at mga narekober na ebidensya sa himpilan ng PNP Alicia para sa kaukulang disposisyon bago sampahan ng kasong paglabag sa Article II, Section 5 ng R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at paglabag sa R.A. 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.”

Facebook Comments