Dalawa katao, sugatan sa banggaan ng mga motorsiklo sa lungsod ng Maynila

20

Manila, Philippines – Sugatan ang dalawang motorcycle rider sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa panulukan ng Ramon Magsaysay Blvd. at V. Mapa sa Sta. Mesa, Maynila.

Natanggal ang ngipin ng isa sa nasugatan na si Fermin Javier dahil sa lakas ng impact ng aksidente gayundin idinadaing nito ang pananakit ng kaliwang braso nito.

Sinabi ni Javier na papasok siya sa trabaho bilang taxi driver sa Bacood, Sta. Mesa nang maganap ang insidente.

Ayon kay Javier, patawid siya sa nasabing lugar at naka-green ang traffic light nang bigla ring tumawid ang motorsiklo na minamaneho ni Maria Cecilla Sevilla kahit naka-red light.

Sinabi naman ni Sevilla na hindi niya matandaan ang nangyari maliban sa patungo siya ng Greenhills upang magturo ng sumba.

Sugat naman sa ulo ang tinamo ng nasabing lady rider.

Binigyan naman ng first aid ng mga rumespondeng medical personel ng MMDA ang mga nasugatang rider.
Nation

Facebook Comments