Taxi drayber, hinoldap saka piangsasaksak sa QC

8

Manila, Philippines – Pitong saksak ang tinamo ng isang taxi driver matapos na saksakin ng isa sa mahigit limang holdaper sa Brgy. Old Balara Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Rolando Guilling, 54 anyos, residente ng Pitugo Street Brgy. Payatas QC.

Batay sa salaysay ni Guilling, pasado alas dos ng madaling araw sumakay sa kanyang taksi ang dalawang katao sa UP at nagpapahatid sa Old Balara, pagdating sa lugar ay biglang sumakay ang limang kalalakihan at ang isa ang sumaksak agad sa biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan pagkatapos ay sapilitang kinuha ang kanyang kinita sa magdamag na nagkakahalaga ng 1,800 pesos.

Pero sa ginawang follow up operation ng mga awtoridad, naaresto ang suspek na si Jeffrey Esperas, 31 anyos, miyembro ng Sigue Sigue Sputnik Gang, subalit mariing itinanggi ng suspek na kasama siya sa panghoholdap.
Nation

Facebook Comments