Dalawa pang distrito sa State of North Rhine Westphalia, ini-lockdown dahil sa COVID-19

Nagpatupad na rin ng lockdown ang Germany sa dalawa pang distrito ng State of North Rhine Westphalia.

Ito ay matapos umabot sa 1,553 manggagawa ng Toennies Meat Processing Factory ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang kauna-unahang lockdown na ipinatupad sa Germany matapos bumaba ang mga naitalang kaso nitong Mayo.


Unang ipinatupad ang lockdown sa Gütersloh na sinundan ng Warendorf ilang oras lang matapos higpitan ang restriction sa nauna.

Ayon kay State’s Prime Minister Armin Laschet nagsasagawa na ng large-scale test at trace program ang mga Local Public Health Officials para mahanap ang nakasalamuha ng mga nagpositibo.

Ang North-Rhine Westphalia ang nangungunang estado ng Germany na may pinakamalaking populasyon na 18 million.

Samantala… umabot na sa higit 9.2 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo… mahigit 4.6 milyon dito ang naka-rekober at 476,945 ang nasawi.

Facebook Comments