Dalawa pang pugante sa limang nakatakas sa Compostela Municipal Jail sa Cebu, nahuli na ng Compostela PNP

27

Manila, Philippines – Nahuli na ng Compostela PNP ang dalawa pang pugante sa limang nakatakas sa Compostela Municipal Jail sa Cebu.

Natunton si Joseph Mahinay sa bayan ng Lilo-An,Cebu at si Giovani Tapayan sa bundok ng bayan ng Balamban, Cebu.

Nauna nang maibalik ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Joel Cuyos at Ruben Catipay Compostela Municipal Jail.

Ayon kay SPO2 Jaime Mirolinya ng Compostela PNP, isa sa mga rason ng pagpuga ng lima ay ang kalunos-lunos na sitwasyon ng mga preso sa loob ng kulungan.

Si SPO2 Mirolinya ang duty jailer at desk officer nang maganap ang pagtakas ng limang preso.

Sa ngayon ay patuloy pang hinahanap ng kapulisan ang isa pang pugante na si Nelson Agbay.
Nation”

Facebook Comments