Dalawa patay sa Cebu dahil sa landslide

*Cebu City– Dalawang tao ang kompirmadong patay matapos ang nangyaring landslide dito sa lungsod ng Cebu kagabi.*

*Natabunan ng gumuho nilang bahay ang 64 na taong gulang na si Elpidio Heraga at 31 anyos na si Juvelyn Salipa sa tabi ng Guadalupe River sa sitio Lower Ponce, Capitol Site, Cebu City.*

*Nangyari ang pag-guho matapos ang walang tigil na pag-ulan kahapon ng hapon hanggang kagabi.*


*Aabot naman sa hanggang 20 ka tao ang ni-rescue, 10 sa kanila ang mga menor de edad, dahil pa rin sa landslide sa lugar.*

*Umabot nang 4 na oras ang rescue operation. Kasalukuyan namang nagpapasilong sa barangay hall ang mag apektadong residente. *

*Ang paninirahan ng mga biktima sa tabi ng ilog ay sinasabi ng mga rescuer at mga awtoridad na high-risk dahil na rin sa di masabing pagtaas ng tubig o pagguho ng lupa. *
*Samantala, maraming mga residente ng Cebu ang na-stranded, lalo na sa downtown area dahil sa malakas na ulan at baha kahapon hangggang kagabi. RMN Cebu*

Facebook Comments