Dalawa sa anim na preso tumakas sa Laguna Provincial Jail, nadakip na

Laguna – Nadakip na ang dalawa sa anim na preso na tumakas at namaril ng jailguard sa Laguna Provincial Jail noong nakaraang linggo.

Ayon kay Rommel Palacol ng Laguna Action Center, nahuli ng mga miyembro ng Cavite Police Intelligence Unit sina Rhandel Vale at Romel Macaraig sa Barangay Pasong Buaya 1, Imus City sa Cavite.

Nabatis na magkahiwalay na naaresto ang mga preso sa nasabing probinsya.


Patuloy naman na nagsasagawa ng manhunt operations ang mga pulis laban sa apat pang inmates na nakilalang sina Rayman Raymundo, Teddy Bucal, Verjust Dizon at Rio Mahilom.

Facebook Comments