Mauunang made-deport ang dalawa sa apat na puganteng Japanese na nakapiit sa detention facility ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla na “cleared” na ang kaso ng dalawa sa mga Japanese nationals kaya mauuna silang mapapatapon pabalik ng Japan.
Umaasa naman ang kalihim na hindi rin magtatagal ay susunod namang made-deport ang dalawang iba pa.
Hindi naman makapagbigay si Remulla ng eksaktong petsa ng deportation.
Una nang hiniling ng Japanese Embassy na pagsabay-sabayin sana ang deportation ng apat.
Ayon kay Remulla, pinag-aaralan na rin ang posibleng pagbabago sa “rules” o panuntunan sa deportation process ng mga dayuhan sa bansa.
Facebook Comments