General Santos City – Kasaboso ang dalawa sa limang suspek na itinurong responsable sa pagpatay sa tatlong biktima kasabay ng nangyaring riot ng dalawang grupo ng Children In Conflict with The Law (CICL) o mas kilala sa tawag na mga “Batang Sukarap” sa area ng Prk. Green Vill., Barangay Calumpang Gensan.
Kinilala ang mga suspek na sina Jomar Umbahin, legal age at Dindo Remulta, legal age parehong residenti sa Prk. Magnolia, Barangay Calumpang.
Inaresto umano ang dalawa matapos silang itituro ng mga witness na kasamahan ng tatlo pang suspek na responsable sa pagpatay sa mga biktimang sina Alias Josilito, 16, Alias Raymark, 15 at Christian Tamiolong, 19, residenti ng nasabing barangay.
Mariin namang itinanggi ng dalawang suspek ang aligasyon laban sa kanila.
Sinabi ni Jomar na nag-iinuman sila kasama si Dindo at iba pa nilang mga kabarkada nang nangyari ang riot.
Nagkataon naroon sila sa nasabing lugar kaya sila ang itinurong suspek.
Napag-alaman na nasampahan na ng kaukulang kaso ang dalawa habang pinaghahanap pa ang tatlo pa matapos tumakas.