Lalaki, patay sa isinagawang drug buybust operation kagabi sa lungsod ng Cauayan

162

Cauayan, Isabela – Patay ang isang lalaki makaraang manlaban sa mga otoridad saisinagawang drug buy bust operation kagabi sa research minante uno siyudad ng cauayan.

Nakilala ang napatay na si Arvin Urbano, residente ng barangay Guayabal nabanggit na siyudad.

Nasugatan din ang isang pulis na si PO3 Arnold Cason, na nagsilbing poseur buyer.


Ayon sa ulat, natunugan ni Urbano na pulis ang kaniyang ka-transaksiyon, agad itong bumunot ng baril at nakipagpalitan ng putok sa mga otoridad.

Tinamaan ang kaniyang tiyan na dahilan ng kaniyang kamatayan.

Nakuha sa crime scene ang isang sachet ng shabu, isang 500 peso bill, isang calibre trentay otso na baril, tatlong basyo ng bala, tatlong live ammunition, isang CP at isang motorsiklo na kulay itim.



Nagpapagaling pa rin sa pagamutan ang pulis na nasugatan sa nasabing operasyon.

Facebook Comments