Manila, Philippines – Arestado ang dalawa sa pitong mgamiyembro ng ipit gang na nambiktima sa loob ng isang Yohan Express Bus sa kantong Edsa Muñoz at Congressional Avenue Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Joshua Cordero, 20 at RonelCudio, 22, na nakulong na sa QCPD Station 10 kasong pagdadala ng kutsilyo.
Ayon kay Alexis Taclob,bus driver tinatahak nila ang kahabaan ng EDSA nang mapansin niyang iniipit na ng mga suspek ang isa niyang pasahero na nakilalang si Herald Montejo na mayroong pinakikinggan sa cellphone na naputol matapos dukutin ng mga suspek.
Mabuti na lamang at napansin ni Taclob ang mobile ng QCPD na nakaparada sa Edsa Munoz kayat agad niyang inihinto sa tapat nito ang kanyang minamanehong bus.
Dito na nagkagulo ang mga pasahero at nag-unahan na sapag baba kasabay ng mga suspek.
Pero namukhaan ng drayber ang dalawa sa mga suspek kayat agad na isinumbong kay PO3 Jeffrey Talawec na sakay ng mobile patrol kayat inaresto at pinosasan ang mga suspek kung saan nabawi ang ninakaw ng mga itong cellphone.
Pagkatapos ay dinala sa QCPD Station 2 ang dalawang suspek na nahaharap sa mga kasong robbery holdap.
Dalawa sa pitong mga miyembro ng ipit gang, arestado sa QC
Facebook Comments