DALAWA SUGATAN, SA BANGGAAN NG MOTOR AT TRICYCLE SA BAYAN NG ALCALA

Sugatan ang dalawa katao matapos ang naganap na banggaan ng motor at tricycle sa bayan ng Alcala.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Merlito Valdez at Danison Samonte parehong residente ng nasabing bayan.
Sakay ng tricycle si Valdez Habang sa motor naman si Samonte ng maganap ang banggaan sa bahagi ng Barangay Pindangan pasado alas siyete ng umaga.

Liliko sana pakaliwa si Samonte ng mabangga ng Tricycle ni Valdez dahilan upang tumilapon ang Dalawa na nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa nasabing aksidente. |ifmnews
Facebook Comments