POSO TRAFFIC ENFORCER SA BAYAN NG MANGALDAN, NAGSAULI NG NAPULOT NA WALLET NA PAGMAMAY-ARI NG ISANG BUMBERO, ATING ALAMIN

Katapatan ang ipinamalas sa Bayan ng Mangaldan ng isang Poso Traffic Enforcer na si Dante CendaΓ±a matapos nito ang isauli ang kanyang napulot na wallet na pagmamay-ari ng Fire Officer 1 Gerald Leti ng Calasiao Fire Station.
Ayon kay CendaΓ±a, napulot niya ang wallet na naglalaman ng higit sa dalawang libong piso kasama ang mga mahahalagang identification at ATM cards, noong Setyembre 27, 2023 bandang alas singko ng hapon sa Public Plaza na agad nitong ipinaalam sa LGU Mangaldan.
Samantala, naipasakamay naman ng may-ari ang kanyang nahulog na wallet sa parehong araw kung kailan ito nawala na lubos nitong ipinagpapasalamat.

Kaya naman mula dito sa iFM Dagupan, saludo kami sayo Idol sa Idol Dante sa iyong ipinamalas na katapatan na siyang kapuri-puri at dapat tularan ng madla. |ifmnews
Facebook Comments