Dalawampung Piraso ng Kahoy, Nasamsam ng Otoridad sa Luna Isabela!

Luna, Isabela – Nasamsam ng mga otoridad kaninang madaling araw ang dalawampung piraso ng nilagareng kahoy sa kahabaan ng Brgy. Macanao, Luna, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng Luna Police Station, sa kasagsagan umano ng kanilang isinagawang checkpoint sa nabanggit na lugar ay ipinarating ng isang concerned citizen ang umanoy inabandonang mga kahoy sa nasabing lugar.

Natagpuan ang iba’t ibang piraso ng nilagareng kahoy na may sukat na mahigit kumulang sa isang daan at siyamnapu’t anim na board feet.


Sa ngayon ay nasa tanggapan na ng PNP Luna ang mga kahoy para sa kaukulang disposisyon at inaalam na kung sino ang nagmamay-ari ng mga nakuhang kahoy.

Facebook Comments