Arestado ng National Bureau of Investigation sa magkahiwalay na operasyon ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Unang naaresto sa Zamboanga City si Abdulla Addi na may mga alyas na Tuma at Amdak Jumah.
Si Alyas Tuma ang itinuturong isa sa mga suspek sa isang kidnapping incident sa Patikul Sulu noong August 20, 2011 kung saan pinugutan pa ng mga ito ang dalawang lalaking biktima at nanghingi ng ransom money para sa apat pang natitira nilang bihag.
Nagsilbi si Alyas Tuma bilang bantay ng kanilang mga bihag.
Si Alyas Tuma at si Commander Robot ay kapwa kinasuhan ng kidnapping at serious illegal detention with ransom sa Pasig City RTC Branch 266.
Naging malapit si Alyas Tuma sa napatay na si ASG Leader Gumbahali Abu Jumdail alyas Dr. Abu.
Sunod naming nadakip ng NBI si Alutudan Ismael Guru alyas Abu Tarik at alyas Dodong Dongon dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention with ransom mula sa Pasig RTC Branch 266.
Nagsilbi namang bantay si Abu Tarik sa mga biktima ng Abu Sayyaf sa tinaguriang Golden Harvest Plantation Kidnapping.
Nakapiit na ang dalawang ASG member sa NBI detention facility sa Maynila at nakatakdang ilipat sa Special Intensitce Case Area ng BJMP sa Taguig City.