Dalawang Araw na Federalism Roadshow ng DILG at PIA Cagayan, Ilalarga sa Cauayan City, Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang ilarga ng Department Of Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine Information Agency (PIA) ang dalawang araw na Federalism Roadshow sa araw ng miyerkules at huwebes, September 26-27, 2018.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay PIA Cagayan Manager Oliver Baccay, layunin ng kanilang isasagawang Federalism Roadshow na maipaliwanag at ipaintindi sa taumbayan ang nilalaman ng draft ng ipinapanukalang Federalismo.

Bilang parte ng kanilang isasagawang roadshow ay nakatakda ring bumisita sa himpilan ng DWKD 98.5 RMN Cauayan ang PIA Cagayan kasama ang ilang mga miyembro ng Constitutional Cimmission upang talakayin ang pagsusulong sa Pederalismo na susundan naman ng media forum.


Magkakaroon din ng Town hall meeting para sa mga local officials na papangunahan ng mga Local na Commissioners na susundan naman ng pagtitipon ng mga mamamayan at iba’t-ibang sector upang malaman umano ang pulso ng taumbayan hinggil sa ipinapanukalang Konstitusyon ng Pilipinas na Federalismo.

Ayon pa kay PIA Manager Baccay, Anim na miyembro ng Constitutional Commission ang darating upang personal na ipaliwanag sa publiko ang nilalaman ng kanilang napag-usapan hinggil sa proposed Federalism.

Inaanyayahan ngayon ni PIA Manager Baccay ang lahat na makibahagi sa gagawing Federalism Roadshow sa Lungsod ng Cauayan upang maintindihan ang nais iparating ng ipinapanukalang Pederalismo para sa bagong konstitusyyon ng Pilipinas.

Facebook Comments