Dalawang Araw na Gakit Festival ng Angadanan, Sinimulan Na!

Angadanan, Isabela – Isang malawakang parada ang isinagawa ngayong araw sa Angadanan Isabela bilang selebrasyon ng Gakit Festival.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN News Cauayan kay ANAC-IP Representative Jose Bentot Panganiban, ngayong araw hanggang bukas ang ika labing apat na taong selebrasyon ng Gakit Festival.

Ito umano ay kapapalooban ng ilang aktibidad lamang tulad ng parada sa buong centro ng Angadanan at bukas ay ang Gay Contest.


Bukas umano ang pinakamahalagang aktibidad kung saan ito ay ang Fluvial Parade na gagawin naman mismo sa Cagayan River.

Ipinaliwanag ni Panganiban na ang Fluvial Parade ay sa pamamagitan ng isang parada sa ilog ng cagayan na gamit ang balsa ng bawat barangay na kasali sa pagandahan ng dekorasyon at bibigyan din ng gantimpala ang mapiling pinakamagandang balsa.

Idinagdag pa ni Panganiban na bibigyan ng parangal ang ilang mga pangunahing bisita, turista at ilang OFW’s na tumulong para sa pagsasagawa ng naturang festival.

Facebook Comments