Sa kabila nang pagbuntot ng tatlong Chinese warships sa isinagawang Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ng Pilipinas, Amerika, Australia at Canada nitong Miyerkules, August 7, 2024.
Itinuturing pa ring matagumpay ang dalawang araw na MMCA sa loob ng exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Philippine Navy Spokesperon for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hindi dapat ikaalarma ang presensiya ng mga barko ng China pero ito ay “dubious” o kaduda-duda.
Binigyan-diin din ni Trinidad na hindi show of force ang MMCA sa alinmang bansa kundi ito ay show of commitment sa international law.
Inaasahan namang masusundan pa ang MMCA sa mga like-minded navies at like-minded nations.
Ilan sa mga aktibidad na isinagawa sa MMCA ay communication exercise, division tactics, cross-deck landing at anti-submarine warfare drills ng magkakaalyadong pwersa.