Dalawang Barangay ng Santiago City, Magkasunod na Idineklarang Drug Free!

Santiago City, Isabela- Magkasunod na idineklarang Drug Free ang barangay
San Andres at Luna ng lungsod ng Santiago kahapon, Marso 16, 2018.

Ito ay dinaluhan at pinangunahan nina PRO2 Chairperson Dir. Laurefel P.
Gabales, PDEA, SCPO sa pangunguna ni PSUPT Melchor Ariola, Regional Dir.
Rep. PSUPT Cleto Arnel Atluna, City Mayor Joseph Salvador Tan, PCI Rolando
Lugo Gatan, PCI Reynaldo Maggay ng PNP Santiago City, BADACS member at LGU
Santiago City.

Ikinagalak naman ito ng dalawang punong barangay na sina Hon. Perla Alcid
ng Brgy. San Andres at Hon. Maximiano P. Obena ng Brgy. Luna kung saan
pinagsusumikapang mapanatili ang kanilang natanggap na parangal dahil kung
muling magkaroon ng drug record ang kanilang nasasakupan ay mag-uumpisa
muli sila sa pag-aayos ng mga dokumento na iniiwasan namang mangyari ito sa
kanilang barangay.


Sa inihayag naman ni punong barangay Perla Alcid, ito ang pinaka mahirap na
evaluation sa kanilang barangay dahil sa matagal at mahirap na pagproseso
sa mga dokumento bago maideklarang Drug Cleared ang barangay kaya’t kanyang
hinimok ang bawat isa na makiisa at huwag nang balikan ang kanilang
masamang bisyo.

Kaugnay nito ay mas pinaigting na ng PNP Santiago City ang kanilang
kampanya kontra droga at pagbabantay sa taumbayan at inaasahang sunod-sunod
na ang pagdedeklara sa natitirang 34 na barangay bilang drug free sa lahat
ng nasasakupan ng lungsod.

 

 

Tags: PDEA, PRO2, BADACS, Melchor Ariola, Laurefel Gabales, Cleto Arnel Atluna, Joseph Tan, LGU Santiago City, Perla Alcid, Maximiano Obena,
Reynaldo Maggay, Rolando Lugo Gatan,DWKD985Cauayan, RMN Cauayan, Santiago
City, Isabela, Luzon



Facebook Comments