Dalawang Barangay sa Burgos, Isabela, Nalinis na sa Iligal na Droga!

10

*Burgos, Isabela- *Mula sa walong bayan dito sa lalawigan ng Isabela na idedeklara bilang Drug Cleared at Drug Free ay Idineklara na bilang drug Cleared ang dalawang Barangay ng Burgos, Isabela gaya ng Brgy. Malasin at Brgy. San Bonifacio.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Juan Deodato, ang hepe ng PNP Burgos, Isabela na mula sa labing apat na barangay ng bayan ng Burgos ay siyam rito ang apektado ng droga kung saan ay nasa limang barangay na ang naideklarang Drug Cleared.

Ayon pa kay Police Senior Inspector Deodato, malapit na rin umanong maideklara ang natitira pang apat na barangay na apektado ng droga dahil nasa tanggapan na ng Philippine *Drug* Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang mga dokumento para sa ebalwasyon.

Naniniwala rin ang hepe na hindi na umano babalik sa kanilang bisyo ang mga nasangkot sa droga dahil sa puspusan na ring pagbabantay ng kapulisan sa bawat barangay.

Facebook Comments