Manggagawa sa Echague, Isabela, Patay Matapos Ma-hit and Run!

256

*Echague, Isabela-* Patay ang isang manggagawa matapos ma-hit and run pasado alas otso kagabi sa Brgy. Libertad, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima at nagmaneho ng motorsiklo na si Bobby De Vera, kwarentay sais anyos, may-asawa, isang manggagawa at residente ng Brgy. Sta. Cruz, Echague, Isabela habang ang suspek naman na drayber ng Van ay kinilalang si Millard Sugui, trentay kwatro anyos, at residente ng Brgy. San Antonio, Echague, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon RMN Cauayan sa PNP Echague binabaybay umano ng biktima ang daan sa naturang lugar nang biglang mahagip ng kasalubong na Van.

Nagtamo ng malalalim na sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan si De Vera na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Samantala, Sa ngayon ay nag-uusap pa lamang ang pamilya ng biktima sa suspek habang inihahanda naman ng kapulisan ang kakaharaping kaso ni Millard Sugui na Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Facebook Comments