Dalawang bus terminal, ipinapasara ng MMDA

Manila, Philippines – Inirekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapasara sa dalawang bus terminals sa Quezon City dahil sa palyado nitong mga pasilidad.

Inireklamo ng mmda sa LTFRB ang RORO Bus Transport Services Inc. sa south road at Dimple Star Transport sa main avenue na parehong nasa Brgy. Bagong Lipunan ng Crame.

Ayon sa MMDA, bigo ang parehong terminal na makapagbigay ng basic conveniences para sa mga pasaherong nag-aabang na makasakay kung saan wala din itong mga maayos na upuan, konkretong sahig at maayos na bubong.


Giit ng MMDA, sa tuwing nag-iinspeksyon sila, hindi lang ang pagsunod sa mga polisiya ang kanilang tinitingnan kundi pati ang pisikal na kundisyon ng mga terminal.

Nilinaw din ng MMDA na ang pagpapasara sa mga bus terminals ay pansamantala lamang hanggang sa makasunod na ang mga operators nila sa mga requirements ng LTFRB.

DZXL558

Facebook Comments